Thursday, August 2, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik


FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK

 Buwan na naman ng Agosto at ano nga ba ang taon-taon nating ipinagdiriwang tuwing sasapit ito? Tama ka't ngayon muli ang Buwan ng Wika. Ngayon tayo'y muling pagbubukludin ng Filipino, ang ating pambansang wika. Para sa tema ng taong ito:" Filipino: Wika ng Saliksik", ano nga ba ang pinahahalagahan nito?

 Wikang Filipino ay likas na sa ating mga Pilipino. Minulat na tayo ng ating mga ninuno dito noon pang unang panahon. Ang ating wika ay nagagamit sa pakikipagtalastasaan, paggawa ng sanaysay o kaya naman ay mga kasulatan (tulad nito). Maaaring ito'y pasalita kung ipahayag o pagsusulat. Mabisa rin ito bilang pagpapakilala sa ating mga sarili bilang mga katutubong Pilipino at upang maibahagi ang ating kultura't mga tradisyon. Napakalawak na ng sakop nito sa mga awit man, maikling kuwento, tula, sanaysay, epiko, dalit, at iba pa. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng mga opinyon at kuro-kuro ng bawat mamayan sa ating bansa at kanilang mga saloobin hinggil sa mga iba't ibang paksa. 

 Gaya nga ng mga nasabi, at lalo na sa tema, pinahahalagahan dito kung ano ang naipaparating sa atin ng ating wikang pambansa. Ayon nga sa tema, Filipino: Wika ng Saliksik, ang wikang Tagalog ay nagbibigay sa atin ng pambansang karunungan at kaunlaran. Nagbibigay karunungan sa atin upang matuto, maunawaan, makapagbuod o kaya naman ay mangatwiran sa mga bagay- bagay sa ating paligid. Nakapapangalap rin tayo ng mga impormasyon gamit ang wikang Tagalog hindi lamang sa wikang Ingles na gaya na lamang ng ating mga naisasaliksik sa Internet. Mayroon ring mga luma o mga bagong libro na tumatalakay sa mga iba't ibang paksa na tulad na lamang ng kasaysayan, wika at gramatika, mga paksa patungkol sa paagpapahalaga, kaugalian at pagpapakatao, tungkol sa mga hayop, ating mundo, mga tao, mga halaman at marami pang iba. Sa ating paaralan na lamang, ang Filipino ay ang pinakamadalas na gamitin sa pagtuturo ng mga guro kung saan natututo ang mga maag-aaral na tulad ko.

Skarunungang ito, maaaring umunlad ang isang indibidwal at pati na rin ang ating bansa. Nagiging mas makabuluhan ang karunungang nakalap sa paggamit nito sa sarili nating pag-angat gamit ang pagpupursigi at pagsisikap sa buhay. Tulad na lamang sa pag-aaral, magiging mas madali para sa atin na makibahagi sa talakaayn kung may nalalamaan tayo patungkol sa paksa. Gamit ang mga impormasyong nakuha sa pag-aaral mas nagiging malawaak ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay. Lahat ng ito'y maidadala rin natin sa hinaharap at maaaring gamiting susi sa pagkamit ng iyong tagumpay sa buhay. Hindi lang ikaw ang magtatagumpay kundi pati rin ang iyong kapwa patungo sa inyong minimithing pangarap.

Ang karunungan ay hindi nagbabago at mananatili sa iyo. Nasa sa iyo kung paano mo ito gagamitin para sa iyong sarili, kapwa at sa iyong lipunan. Hindi naman ito mawawala, maaaari lang naman itong magbago ng anyo sa paglipas ng panahon ngunit ito'y nariyan pa rin at buo palagi ang nais ipabatid.





CREDITS:

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgEfKskELKLEz7GxMPZmw_e5pmbTohPNIRo0oaESl4K7beAgjfPQJtRxEO5BXjGT0UvDPqjG-jv0NWxK2TLXyzcfJSJbgItrFrQ4VoJyGye9Uz-ExmtLbMmKTcyvtQBMogAmWudc0_00V8/s400/Buwan+ng+Wikang+Filipino.jpg

https://i1.wp.com/www.tagaloglang.com/ux/wp-content/uploads/2018/06/buwan-ng-wika-tema-2018.jpg?fit=1200%2C1800&ssl=1

6 comments:

  1. Oo, kailangang gamitin natin ang wika natin sa pagpapalaganap ng pambangsang karunungan at kaunlaran. ^-^

    ReplyDelete
  2. ako ay lubos na nagagalingan sa iyong paraan ng pagsusulat. Ipagpatuloy mo lang yan. Narito ako para suportahan ka sa mga susunod mo pang blogs!

    ReplyDelete
  3. Napakahusay mo!Dahil sa pagbasa nito mas naunawaan at naliwanagan ako tungkol satema ng buwan ng wika ngayong taon!

    ReplyDelete
  4. Napakaganda ng iyong sinabi cheena. Marahil ay umpisa ito ng pagiging ganap mong blogger hihihi.

    ReplyDelete

Reflection THE FINALE           W e came to an end of the school year and I think I have made the best I can to reach this p...