MGA BATA'Y HUWAG PABAYAN, WASTONG PAG-AARUGA'T PAGKALINGA ANG KAILANGAN
Ang daming pangarap ang tumatakbo sa isipan at imahinasyon ng isang musmos na bata. Na parang gusto nitong maabot ang tuktok ng tagumpay. Gusto rin niyang magtagumpay at kailangan rin niyang magtagumpay. Halos hindi na nga mabilang kung minsan ang kanilang mga hangarin. maging isang modelo't disiplinado na maaari ring kilalanin ng iba at magsilbing inspirasyon sa kapuwa nila. ngunit ano nga ba ang nararapat nating gawin upang sila'y matulungan sa kanilang mga minimithi?
Mula sa pagmamahalang umusbong sa puso ng isang lalaki at babae hanggang sa bumuo sila ng sarili nilang kubo't nabiyayaan ng anak. Dito nagsimula ang lahat. Sa pamilya ang uang paaaralan ng mga baat. Sa pamilya natututo silang makihalubilo, magmahal, disiplinahin ang sarili, guamalang, umunawa at magmalasakit. Ito ay upang maituwid ang isang bata sa kaniyang daang tatahakin.
Responsibilidad ng magulang na gawin at iapaunawa sa mga bata ang mga ito. Kaya naman ay nararapat na sila'y matiyaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak. Kailanagn nilang alagaan at palakihing mabuti ang mga bata. suportahan sila sa kung ano ang nais nila sa buhay.
Sa mga ibang magulang kasi ngayon, kinakalimutan na nila ang kanilang tungkulin sa pamilya lalo na sa kanilang mga anak. Napapabayaan ang kanilang mga anak kaya naman hindi na normal ang kanilang paglaki. May mga bata na ngayong nagsasakripisyo na sana ay mga magulang ang dapat na gumawa. Na imbis na mag-aral ay sila na ang kumakayod na mga magulang rin sana ang gumagawa. At labag ito batas. nawawalan na sila ng karapatan paar mag-aral na siya lamang sisusi sa kanilang minimithing tagumpay. may mga bata ring napabayaan na lamang sa lansangan dahil hindi pa handa ang kanilang mga magulang sa naiatang na responsibilidad kaya hindi nila mgampanan. Resulta nito? Mga batang naglalako, pakalat-kalat, naimpluwensiyahn na ng droga o kaya'y nasa kondisyon na ng malnutrisyon. hindi lang ang mga ito kundi marami pa. marami pang mga hindi magandang nangyayari sa mga kabataan na siyang tinuturing ng lipunan na susi sa pagkamit natin sa magandang kinabukasan.
Kung isa kang magulang sa henerasyong ito o sa mga nauan pa, huwag mag-atubiling gawin ang itinakdang tungkulin. dapat ay may tama tayong pag-aaruga sa ating mga anak o kung may mabuti kang puso ay kahit na tumulong man lang sa mga iabang bata kahit hindi na kapamilya. magkaroon rin dapat tayo ng pagpapahalaga sa kanilang pagkabuhay sa mundo. tulungan at alagaan sila sa pinakamabuting paraan. at huwag sana tayong mapapagod na mahalin sila dahil sarili nilang kinabukasan ang isinasakatuparan.
credits:
https://www.osv.com/Portals/4/EasyDNNnews/22047/22047shutterstock_114642343.jpg
http://aboutcagayandeoro.com/wp-content/uploads/2016/11/National-Childrens-Day-1024x685.jpg
No comments:
Post a Comment