MAPANURING PAGGAMIT NG GADGET
TUNGO SA MAPAGKALINGANG UGNAYAN
SA PAMILYA AT KAPWA
Mula paggising sa umaga hanggang sa gabi, wala na tayong ibang inatupag at kasamaa, wala na tayong ibang ginagawa't hawak-hawak kung hindi ang mga gadgets. Nagpapakalunod tayo araw-araw at oras-oras sa mga bagay na ito para ano? Para makaiwas sa maaaring iutos ng magulang o kaya nama'y makaiwas sa paglabas ng bahay para gumawa ng mga proyekto o makisalamuha man lang sa iba? Ni minsan ba hindi niyo naisip na nilalamon na ng mga bagaay na ito ang ating likas na pagkatao at binubura na rin nito ang tungkulin natin sa buhay?
Ang dami-daming mga tao na ngayon ang nahuhumaling sa mga nagkalat sa social medias na kinabibilangan ng Facebook, Twitter, Instagram, Youtube at kung anu-ano pa. Sa mga kabataan, mapababae man o lalaki o anumang kasarian ay game na game sa mga paglalaro ng mga online games gaya na lamang ng League of Legends, Mobile Legends, Dota 2, Clasdh of Clans at marami pa diyang iba na hindi ko na alam.
Oo nga't may maitutulong rin sa atin ang mga gadgets. Tulad ko na isang estudyante, ginagamit ko ito sa paraang pananaliksik para sa mga assignments, projects at paggawaa ng mga activities sa paaralan. Dito rin naipapahayag ng iba ang kanilang mga saloobin patungkol sa mga halu-halong isyu ngayon ng ating lipunaan. Ginagamit na rin ang ibang mga gdgets sa iba't ibang larangan naa gaya ng sining, siyensiya, teknolohiya at iba pa.
Pero sa panahon ngayon,hindi na lang ito ang laman ng social media. Gadgets ang dahilan kung bakit nahuhumaling ang iba sa pornograpiya at dinudumihan na nito ang isipan kahit pa mga bata. Kaya nga lumutang muli ang isyung Teenage Pregnancy dahil sa impluwensiya ng social media. Meron pang mga larawan na halos wala ng mga damit, mga malalaswang panoorin na ang ibang biktima ay menor de edad. Mga videos na nag-aaway ang ilang grupo ng mga kalalakihan o kababaihan. Lahat ng mga ito ay kumakalat at nagiging usap-usapan kalaunan.
Sa kapuwa ko millenial, huwag naman sana tayong maging dependent sa mga gadgets. Pwede naman tayong maglibang sa ibang paraan kung gusto hindi ba? Pwede naman nating gamitin aang mga gadgets paminsan-minsan hindi madalasan. Iniisip niyo ba kung ano angh nagiging epekto ng paggamit natin sa mga ito? Nawawalanna tayo ng komunikasyon at ugnayan sa kapuwa at lalong-lalo na sa Diyos. Na imbis na tumutulong tayo sa mga gawaing bahay, sumasabay sa hapag-kainan at nakikipagkuwentuhan sa pamilya ay nagkukulong tayo sa ating silid kasama ang ating mga cellphones at kung ano-ano ang ginagawa. Imbis na magdasal na't matulog ay hinihintay pa natin ang reply ni crush o ng boyfriend at girlfriend. At imbis na makipagkaibigan ay iniiwasan nating madikit sa kanila dahil mahihiwalay tayo sa naging bestfriend na nating gadgets.
Huwag sana nating kaligtaan na ang nating kaligayahan ay nasa ating pakikipag-ugnayan sa iba't hindi sa pagtitig sa gadgets. Sarili natin ang kalaban kaya ipanalo mo't disiplinahin at kontrolin ang iyong bawat galaw. Matuto ka ring magbahagi ng iyong oras sa iyong pamilya, kapuwa at sa Diyos. Bumuo ka ng araw na kasama sila nang may paagkukusa't pagmaamahal. At sa huli, saka mo na i-post ang inyong litrato at iparamdam rin sa iba na wala ng mas masaya pa kays sa pagkakaroon ng buhay na kasama sila.
credits:
-https://www.capi.com.mx/blog/wp-content/uploads/shutterstockFelicidadAdolescentes_105548261-741x400.jpeg
-http://pastortoddmcox.files.wordpress.com/2012/10/god-talking.jpg?w=584
-https://www.fidelity.com/bin-public/060_www_fidelity_com/images/Viewpoints/PF/familycommunications_banner_2017new.jpg
No comments:
Post a Comment